Patay ang isang 63 anyos na retiradong miembro ng PNP matapos malunod habang naliligo sa Tondol White Sand Beach, sa bayan ng Anda, Pangasinan.

Ayon sa impormasyon mula sa Anda PNP ang biktima ay kinilalang si Cesar Calimag at residente ng Brgy. Mangan Dampay, sa bayan ng Malasiqui.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga kapulisan napag-alaman na ang biktima kasama ang mga kapwa nito PNP Retirees ay nagkakaroon ng brotherhood bonding sa lugar nang magpunta sa beach ang biktima upang magswimming

--Ads--

Matapos ang ilang minuto ay may napansin na kakaiba ang mga kasamahan nito kayat iniahon nila ang biktima at agad na dinala sa RHU Anda para sa first aid at inilipat sa Bolinao Community Hospital, para sa agarang medikal na atensyon ngunit ideneklara itong dead on arrival ng attending physician.

Napag-alaman din na ang biktima ay nasa impluwensiya ng alak nang mangyari ang insidente.

Ang bangkay naman nang biktima ay isasailalim sa post-mortem examination.