DAGUPAN CITY- Isang magandang hudyat ng pagiging politically aware ng mga Pilipino ang naging resulta ng 2025 National and Local Elections sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Prof. Lucio Blanco Pitlo III, Political Analyst, makikita ang aktibong pakikilahok ng mga young voters, lalo na sa pagboto ng mga uupo sa Senado.
Aniya, malaki ang magiging papel ng mga nakapasok na Independent Senatorial candidates lalo na dahil mayroong political rivalry sa pagitan ng Marcos at Duterte clan.
Magiging daan din aniya sila upang maging balanse ang senado lalo na sa mga ipapasang batas sa ating bansa.
Nakikita rin ang mga batang future leaders at kanilang aspirations na maglingkod sa ating bansa.
Dahil sa pagiging komplikado ng ating political system, maigi na rin aniya na maging aktibo ang mga mamamayan sa bansa, kasama ang mga kabataan.
Tumataas na aniya ng level expectations ng mga mamamayan sa bansa dahil na rin sa pagiging responsive ng ating pamahalaan.
Dagdag niya, malaki rin ang magiging ambag ng mga bagong uupo sa Senado sa magiging takbo ng impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte.