Dagupan City – Patuloy ang isinasagawang rescue operation ng San Carlos City Police Station upang mailikas sa ligtas na lugar ang mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Barangay Aponit at Barangay Guelew, San Carlos City, Pangasinan ngayong Agosto 31, 2026.

Pinangunahan ni PLTCOL Lawrence Keith D. Calub, Officer-in-Charge ng San Carlos City Police Station, ang operasyon katuwang ang Local Government Unit (LGU), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at Bureau of Fire Protection (BFP).

Nakatuon ang operasyon sa agarang pagresponde at paglikas sa mga residenteng nasa mga lugar na apektado ng pagbaha upang maiwasan ang panganib sa kanilang kaligtasan.

--Ads--

Patuloy naman ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga awtoridad at lokal na pamahalaan upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente habang nagpapatuloy ang epekto ng pagbaha.