Dagupan City – Nakahanda na ang mga rerouting plan o pagsasara ng ilang daanan o kakalsadahan sa bayan ng Calasiao para sa araw ng Undas.

Ayon kay Beejay Peralta ang Officer in Charge ng Public Order and Safety Office sa nasabing bayan, ang mga plinanong pansamantalang ruta ay pinagtulungan ng POSO Officers at ng Calasiao PNP.

Kung saan lahat umano ng daanan sa bayan na posibleng magkaroon ng mabigat ng trapiko ay nagawan na rin ng rerouting scheme.

--Ads--

Kasabay naman nito ang pagsasagawa ng clearing operation bukas, miyerkules, sa mga daanan papuntang sementeryo.

Samantala, lahat naman ng opisyal ng POSO na higit 50 ay maitatalaga sa kani-kanilang mga pwesto, katuwang ang hanay ng kapulisan na nasa higit 30.

Aasahan naman ang mabigat na daloy trapiko sa mismong araw ng undas.