Tinawag na baseless, purely harassment at politically motivated ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim ang pagsasampa ng reklamo laban sa kaniya kaugnay sa umanoy ilang discrepancies ng pamahalaang lungsod.
Ayon kay Mayor Lim marami raw ang nais maghain ng kaso sa kaniya bagama’t walang basehan ang naturang alegasyon.
Dagdag rin ng naturang alkalde na hindi dapat mangamba ang publiko dahil pawang kasinungalingan lamang ang ibinabatong isyu laban sa kaniya at ito lamang ay isang paraan ng pamumulitika.
Hinihintay din nilang matanggap ang kopya ng kaso at handa ring magsampa ng asunto laban sa mga nasa likod nito at naniniwalang mababasura lamang ang naturang reklamo.
Matatandaang lumabas sa isang artikulo na nagsasabing naghain umano ng kasong administratibo at kriminal ang isang pribadong indibidwal na may kaugnayan sa nakaraang administrasyon sa tanggapan ng Deputy Ombudsman for Luzon laban kay Mayor Lim.
Sa 27 pahinang reklamo sa Commission on Audit sa 2020 annual report ng pamahalaang lungsod nakita ang ilang discrepencies.
Una ay ang halaga ng 3 units ng motrosiklo na nagkakahalaga ng P442,900 ang isa o katumabas ng P1,268,700.00
Bagamat wala ring organizational structure written policy at uniform requirements sa management ng job order personnel kaduda duda umano ang pagbabayad sa mga ito.
Pangatlo ay ang unatended suspension order na insiyu pa sa mga nakalipas na taon na nagresulta sa pagpapaliban ng konstruksyon ng anim na proyekto na may kabuang contract cause na P11,967,564.29 .
Kabilang din sa reklamo ang kabigaun na maghire ng radiologist para sa City Diagnostic Center na nagresulta sa pagkakatenga ng P3,904,700,00 na halaga ng medical equipment.