Dagupan City – ‎Patuloy ang isinasagawang rehabilitasyon ng Hundred Islands National Park sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan matapos ang mga pinsalang iniwan ng magkakasunod na bagyong tumama noong nakaraang taon.

Ayon kay Mike Sison, tourism officer ng Lungaod, layunin ng rehabilitasyon na maibalik sa maayos na kondisyon ang mga pasilidad sa loob ng parke upang masigurong ligtas at maayos ang karanasan ng mga turista at lokal na bumibisita sa lugar.

Kabilang dito ang pagkukumpuni ng mga nasirang pasilidad at patuloy na pangangalaga sa likas na yaman ng parke.

Kasabay nito, maglulunsad din ang lungsod ng mga programang nakatuon sa kultura.

Tampok sa mga planong ito ang pagsasanay sa folk dancing bilang bahagi ng pagpapalakas ng lokal na sining at tradisyon.

--Ads--

Layunin din ng programa na magbigay ng dagdag na kaalaman at oportunidad sa mga kabataang residente ng Alaminos.

Nabanggi din ni Sison na kasalukuyang nasa ikalimang taon na rin ang Film Festival ng lungsod, isang inisyatibong sinusuportahan ng Film Academy of the Philippines.

Inaasahan ng lokal na pamahalaan na sa pagsabay ng rehabilitasyon at mga programang pangkultura, mas mapapalakas ang turismo at kabuhayan sa lungsod, habang pinananatili ang balanseng pag-unlad at pangangalaga sa kalikasan.