DAGUPAN CITY – Nasa 3 lamang ang confirm cases ng measles sa buong rehiyong uno.

Ito ang inihayag ni Dr. Rhuel Bobis, ang Medical Officer IV ng DOH-Region 1 kasunod na rin ng ulat ng kanilang central office sa pagtaas ng kaso ng measles at rubella sa bansa.

Ayon kay Bobis, hindi kasali ang kanilang nasasakupan sa mga rehiyon na nakakuha ng mataas na naitatalang reported clustering of cases.

--Ads--

Aniya, ang aktibong mga kaso ay 2 mula sa Pangasinan na partikular na ang isang kaso ay mula sa lungsod ng Dagupan habang ang isa naman kaso ay mula sa Ilocos Sur.

Ang naturang bilang na ito ay hindi umano maituturing na lagpas sa epidemic threshold ngunit kailangan pa rin umano na mabakuhan kontra tigdas ang mga kabataan upang maiwasan ang pagtaas ng kaso nito sa Rehiyon.

Ngunit sa kabilang banda, maaring magkaroon ng outbreak kung hindi magkakaroon ng mataas na bilang ng mga nababakunahan kontra sa nabanggit na sakit

Kaya naman hinikayat ni Bobis ang publiko lalo na ang mga magulang na ipabakuna na ang kanilang mga anak kontra tigdas.

Sa ngayon, umabot na sa 108 na ang naitalang kaso ng nabanggit na sakit; 40 dito ay mula sa Pangasinan at 7 naman mula sa Dagupan.