Dagupan City – Itinaas na ang Red Alert Status ng Office of the Civil Defense Region 1 ang rehiyon mula sa Blue Alert Status kahapon dahil sa banta ng bagyong Ofel!
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Adreanne Pagsolingan, Public Information Officer OCD Region I, malaki kasi ang tiyansa ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang mga bahagi sa rehiyon lalo na’t may mga nararanasang mga malalakas na pag-ulan.
Dahil dito, binabantayan naman ang mga bahagi ng Ilocos Region gaya na lamang ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Northern Portion ng La Union na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signals.
Dagdag pa rito, may mga ilang kakalsadahan na rin sa Ilocos Sur na hindi madaanan at nakapagtala na rin ng landslide.
Samantala, nakataas na rin ang gale warning sa rehiyon at seaboards kung kaya’t hindi muna hinahaayang puamlaot ang mga mangingisda sa karagatan dahil na rin sa malalakas na alon at hampas ng hangin.
Sa kabilang banda, binabantayan naman ang inaasahang pagpasok ng panibagong bagyong Pepito sa bansa.
Kaugnay nito, nasa ilalim pa rin ng red alert status ang Pangasinan, at patuloy ding minomonitor ang San Roque Dam sa lebel ng tubig.
Mensahe naman nito sa publiko, kung kinakailangang mag pre-emptive evacuate at sumunod na lamang para maiwasan ang mga hindi inaasahang insidente.