Naiproklama na bilang nagwaging gobernador ng lalawigan ng Pangasinan si re-electionist Gov. Amado “Pogi” Espino III.
Batay sa Certificate of Canvass of Votes ng Commission on Elections, nakakuha si Espino ng 783,073 votes kontra sa katunggali nito na si Alaminos City Mayor Arthur Celeste na may 582,380 na boto.
Labis naman itong nagpapasalamat sa lahat ng mga sumuporta at bumoto sakaniya at nangakong ipagpapatuloy ang progresong ginawa at pagmamahal sa mga Pangasinense.
Kabilang pa sa kaniya umanong tutukan ang kalusugan, imprastraktura, proyekto sa barangay, edukasyon at trabaho.
Ipinagpapatuloy lang din aniya ang nasimulan noon ng kaniyang ama ns si dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr.
Bagamat natalo umano sila sa pagkatalo ng kaniyang ama, natutuwa pa rin sila dahil sa pagkapanalo ng iba pa nilang miyembro ng pamilya na kumandidato ngayong halalan na kinabibilangan ng ina nitong si Bugallon Mayor Elect Priscilla Espino at kapatid na si 2nd District Cong. elect Jumel Espino.