Dagupan City – Nakikitang lalong magpapalakas sa military relations ng PH at Japan ang paglagda ng Reciprocal Access Agreement.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner layunin nito hindi lamang para mapalakas pa ang military relations ng dalawang bansa kundi mapanatili ang peace and security sa Indo-Pacific region.

Nangangahulugan na anumang strategic partnership na magpapalakas sa security relationship ng bansa at mga regional partner ay hinihikayat at isang welcome development.

--Ads--

Aniya, nakikitaan ito na magdudulot ng magandang bunga sa Philippine-Japan military relations dahil magbibigay daan ito sa isang joint military exercises.

Gaya na lamang ng mas mahigpit na defense cooperation at magdudulot ng matatag na security relations sa pagitan ng mga pwersa ng dalawang bansa.

Samantala, nakiisa rin ito sa ginanap na 2+2 meeting sa pagitan ng Pilipinas at Japan. Kung saan ay itinuturing din itong nagmarka ng isang makabuluhang hakbang sa pagpapalakas ng relasyong militar sa pagitan ng dalawang bansa.