BOMBO DAGUPAN- Alertong nakaantabay ang mga otoridad ng Minnesota, U.S.A sa Rapidan Dam dahil sa bantang tuluyang pag-collapse nito.

Nilamon na nito ang ilang mga bahay at istruktura, at patuloy pa ang paglawak ng pinsala sa dam.

Ayon sa mga county leaders, maaaring umapaw ang ilog ng karagdagang 2 feet pataas. Subalit, sigurado ang mga opisyal na kayang protektahan ng kanilang levee system ang syudad.

--Ads--

Samantala, minomonitor na din ng mga opisyal ang mga tulay sa County Roads 33 at 90 para sa mga debris na dadaan sa ilog at isasara ang mga ito kung kinakailangan.