DAGUPAN CITY- Nagulantang ang mga residenteng malapit sa Baybayin ng Burgos nang matagpuan ang kalahating parte ng isang hinihinalang lalaki.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCpt. Ramil Castro, Officer-in-Charge sa Burgos PNP, natagpuan umano ito malapit sa isang resort sa Sitio Pao, Brgy, Ilio-Ilio sa naturang bayan.

Sa pagsasalysay ni Castro, una nilang natagpuan ang ibabang parte ng katawan kung saan nakasuot pa ito ng bughaw na pantalon at berdeng sinturon.

--Ads--

Kaugnay nito, wala silang nakitang kagamitan sa mga bulsa ng pantalon na maaaring makatulong sa pagkakakilanlan nito.

Sinabi din nito na naaagnas na ito nang kanilang matagpuan, gayun na din sa kalahating bahagi nito,

Dali-dali din aniya silang nakipag uganyan sa mga kalapit na himpilan upang alamin kung may mga report ng nawawalang tao sakanilang lugar.

Nagbigay alam na din sila sa mga publiko hanggang Zambales sa pamamagitan ng Social Media.

Hanggang may lumapit aniya sakanilang claimant na nawawala umano ang kanilang ama.

Kaya nagsasagawa pa aniya sila ng malalimang imbestigasyon upang malaman ang kabuoang pangyayari.

Gayunpaman, inaalam pa din ang tunay na pagkakakilanlan nito.