Isinagawa ang isang mahalagang pagpupulong sa bayan ng Bayambang dito sa lalawigan ng Pangasinan upang tapusin ang mga detalye ng nalalapit na Purple Run for a Cause, isang espesyal na kaganapan na magsisilbing bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng International Women’s Month sa Marso 8.

Dumalo ang mga kinatawan mula sa mga lokal na departamento at ahensya na may malaking bahagi sa pagtiyak ng tagumpay ng kaganapan.

Ang Purple Run for a Cause ay may layuning mangalap ng pondo para sa pagtatayo ng mga bahay kubo para sa mga piling benepisyaryo.

--Ads--

Isa itong taunang inisyatiba na nagbibigay suporta sa pagpapalakas ng kababaihan.

Bukod sa mga pangunahing usapin tulad ng ruta, mga hakbang pangkaligtasan, at seguridad, tinalakay din ang pagbibigay ng medikal na tulong.

Ipinag-utos ang pagtatayo ng mga first aid station at pagpapadala ng mga medikal na tauhan, pati na rin ang pangangailangan ng mga road closure upang masiguro ang kaligtasan ng mga kalahok.

Ang Purple Run for a Cause ay inaasahang magiging isang makulay na komunidad at kaganapan na magtitipon ang mga kalahok mula sa iba’t ibang sektor upang magbigay suporta sa isang marangal na layunin na nagbibigay pugay sa tibay at lakas ng kababaihan.