DAGUPAN CITY- Muling nagpaalala si Renato Santillan, ang Principal IV ng West Central Elementary School, na magsuot ng komportableng damit ang mga mag-aaral upang maging presko ang kanilang pakiramdam sa pag-aaral kahit pa mainit ang panahon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kaniya, hanggang sa maaari ay kulay puti ang kanilang suotin upang makilala pa rin bilang estudyante.

Para naman sa mga guro, maaari naman silang magsuot ng polo shirt upang maibsan din ang init na mararamdaman mula sa panahon.

--Ads--

Aniya, prayoridad ng kanilang paaralan ang kalusugan ng bawat mag-aaral at guro.

Kaya naman ay tiniyak din ni Santillan sa mga magulang na may sapat na bentelasyon ang bawat silid aralan.

Samantala, pinaalala rin niya na ugaliing magdala ng baon na tubig ang bawat mag-aaral at guro upang mapawi ang uhaw na mararanasan dulot ng matinding init.