Nagbabala ang Securitities and Exchange Commission sa publiko na huwag agad papasok sa mga inaalok na negosyo na sinasabing biglaan ang pagtaas ng kikitain o ilang beses ang balik ng pera.

Ayon kay Helen Veryan Valdez , information officer ng Securities and Exchange Commission sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, lahat ng klase ng investment ay may risk kahit pa mag invest umano sa mga kompanya na malalaki at matatag na.

Wala aniyang kasiguraduhan na 100 times ang kikitain sa korporasyon lalo na sa panahon ngayon ay hirap maabot dahil sa kasalukuyang sa situwasyon ng ating ekonomiya.

--Ads--

Hindi aniya kapani paniwala aniya ang inaalok na malaking return ng investment kaya kapag may nag aalok ng ganitong negosyo ay mas maganda na pagaralang mabuti at intindihin ang papasuking negosyo.

Mas mainam aniya na makipag ugnayan sa SEC para i check kung legitimate ang mga kompanya o entities na nag aalok ng investment.

Hindi porke SEC registred ay licensed to operate na sila kaya payo niya ay bantayan ang pinakamalaking red flag sa investment scam na ang offer ay 100 percent na guranteed income o guaranteed return.

Samantala, ipinaliwanag ni Valdez na ang tinatawag na insider trading ay may isang tao na nasa loob ng korporasyon o kompanya na nakaaalam sa mga confidential information tungkol sa pagtaas at pagbaba ng value ng shares.

Alam umano ng nasabing insider kung kailan tataas ang value ng shares at kung kailan dapat magbebenta ng stocks at ito ay ipapaalam sa mga kasabwat na traders.

Ito umano ang nagbibigay ng go signal para bumili ang mga traders habang mataas ang presyo dahil alam niya kung kailan babagsak ang presyo ng shares.

Sa market manipulation naman ay sadyang pagtago ng mga impormasyon patungkol sa stocks nila para hindi malaman ng publiko.

Itinatago ang produkto at hindi muna magbenta ng produkto habang mababa ang presyo.

Ginagawa umano ito ng ibang kompanya para hindi mailabas ang shares sa panahon na mababa ang presyo at maaari silang malugi o bumaba ang kanilang income.

Dagdag pa niya na isa ring matatawag na katiwalian ang pagtatago ng assets.