Puwedeng magpunta si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ibang bansa na hindi tutulong sa pag aresto sa kanya katulad ng bansang China at Russia.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, political analyst sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sa kanyang pagkakaalam ay wala pang naaresto na high government official na naisyuhan ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) maliban lamang sa mga warlords sa Africa at dating opisyal na naaresto dahil nakipag ugnayan umano ang mga gobyerno sa bansa kung saan naroon ang aarestuhin.

Inihalimbawa rin niya si Russian President Vladimir Putin at Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi maaresto ng Interpol dahil hindi nakikipag ugnayan ang gobyernong kinaroroonan kung nasaan sila.

--Ads--

Kaya kahit bumisita aniya si Netanyahu sa Amerika ay malaya siyang nakapasok at nakalabas ng bansa dahil hindi naman kinikilala ng Amerika ang arrest warrant na inisyu ng ICC.

Nauna nang nagpahayag ang dating pangulo na hindi siya nababahala sa balitang paglabas na ng warrant of arrest nito mula sa ICC.