DAGUPAN CITY- Kabilang sa patuloy na tinututukan ngayon ng National Economic and Development Authority o NEDA Region 1 ang pagkakaroon ng irrigasyon sa mga probinsya ng rehiyon na makakatulong at magbibigay benipisyo para sa mga magsasaka.
Ayon kay Regional Director Stephanie Christiansen ng NEDA Region 1 na inaprubahan na ang budget para dito at ngayong taong 2025 ay inaasahan ang pagsisimula sa pagpapatayo ng royekto katuwang ang National Irrigation Administration o NIA.
Aniya na matagal na rin nila itong inaasam lalo na at maraming mga magsasaka mula sa tatlong probinsya, ang probinsya ng Ilocos Norte, Ilcos Sur ang apektado pagdating sa kakulungan ng suplay ng tubig.
Dagdag pa nito na marami ang mga konsultasyon na kanilang ginawa dahil sa Cordillera pa manggagaling ang tubig na dadaloy at gagamitin sa tatlong probinsya.
Ito rin ay makakatulong para sa pagtulong sa pagapapunlad ng sector ng agrikultura at makakatulong para sa pag-unlad ng ekonomiya ng nasasakupan.
via Bombo Aira Chicano