Nagkaroon ng pagpupulong ang Local School Based sa bayan ng Bayambang upang talakayin ang mga planong pang edukasyon para sa susunod na taon.

Una na riyan ang paglulunsad ng kanilang inisyatibo na “Buklat Aklat” na may layuning mapalawak ang kakayahan ng mga estudyante sa pagbabasa.

Nakapaloob na rin dito ang iba’t ibang aktibidad o programa patungkol sa mga pag-aaral at pagbabasa ng mga estudyante.

--Ads--

Samantala, isa rin sa mga proyekto ng LBS ang pagpapatayo ng isang silid-aralan sa isang Elementary School.

Ang Php1,000,000 na budget na mula sa Special Education Fund (SEF) ay pinagpaplanuhang ilaan para dito.

Malaking tulong naman ito upang masiguro na may sapat na silid-aralan ang mga estudyante para sa mas komportableng pagkatuto.

Ang mga nakalinyang plano at pagdedesisyon rito ay may malaking epekto para mapaunlad ang edukasyon sa bayan ng Bayambang.