DAGUPAN CITY- Nananatiling nakasuporta ang grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa anumang programa ng Administrasyong Marcos para sa pagpapababa sa presyo ng mga bilihin.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jayson Cainglet, Executive Director ng nasabing grupo, kailangan lamang na lakihan pa ng gobyerno ang kanilang ilalaan na pondo.
Aniya, partikular na sa P20/kilo ng bigas, ang pagkakaroon ng sapat na pondo ay nakatitiyak na makakabili pa ang National Food Authority (NFA) ng palay mula sa mga lokal na magsasaka.
Maliban pa sa sapat na subsidiya upang maabot ang presyong P20, mabibigyan din nito ang mga magsasaka.
Sa pamamagitan nito, masisiguro ng DA na hindi babagsak ang presyo ng palay sa farm gate, lalo na’t nanaatiling mababa pa rin ang presyo nito.
Gayunpaman, nakikita ni Cainglet na makakaapekto lamang sa programa ng gobyerno kung gagalaw din ang presyo sa world market.
Samantala, hindi nakikita ng SINAG na isang problema ang paggamit ng DA ng lumang stocks sa pagbenta ng P20 na bigas.
Nasaksihan naman aniya nilang lutuin ito at tikman.