DAGUPAN CITY- Nagresulta sa pagkakasamsam ng 190 na loose firearms noong Disyembre 2025 ang naging operasyon ng Police Regional Office1 dahil sa illegal na pagmamay-ari ng baril sa buong rehiyon.

Sa nasabing operasyon, 17 baril ang direktang nakumpiska sa operasyon ng pulisya, 8 ang nabawi, 146 ang kusang-loob na isinuko ng mga residente, at 19 ang pansamantalang idineposito sa mga himpilan ng pulisya para sa ligtas na pag-iingat.

Nagbunga rin ang 19 na operasyon ng pagkakaaresto ng 18 indibidwal na sangkot sa ilegal na pagmamay-ari ng baril.

--Ads--

Kaugnay nito na ang matagumpay na operasyong ito ay nagpapakita ng matibay na paninindigan ng kapulisan na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon.

Nanawagan naman ang PRO1 sa publiko na aktibong makipagtulungan sa pamamagitan ng kusang-loob na pagsusuko ng mga hindi lisensyadong baril upang sama-samang sugpuin ang kriminalidad.

Samantala, Tinitiyak din ng PRO1 na poprotektahan ang seguridad ng mga indibidwal na magpasyang sumuko ng kanilang mga baril.