Ginawaran ng South Korea ng Blue Dragon Order ang Esports Proplayer na si Lee Sang Hyeok o mas kilala bilang Faker.

Ang nasabing pagkilala ay ang pinakamataas na klase ng Order of Sports Merit sa nasabing bansa.

Tinanggap ito ni Faker noong January 2 mula kay SoKor President Lee Jae Myung sa Blue House State Guesthouse.

--Ads--

Iginagawad ang nasabing parangal sa mga atleta, coaches, at sinumng kilala sa larangan ng palakasan na nagpakita ng magandang kontribusyon sa pagpapaganda ng sports, itinaas ang international standing ng bansa, o itinaguyod ang pampublikong pakikilahok sa larangan ng palakasan.

Kabilang sa mga ginawaran nito ay sina Son Heung Min (football), Kim Yuna (figure skating), Park Chan Ho (baseball), at si Park Se Ri (golf).

Si Faker ay tinaguriang “Unkillable Demon King” sa Esports, partikular na sa larong League Of Legends. Siya ay ang long-running player ng T1 (dating SK Telecom T1).

Sa kasaysayan ng Worlds, o ang international esports competition ng nasabing laro, nakapagtala na si Faker ng 5 World Championship Titles.

Ang mga huling achievements ni Faker ay ang 3-peat world championship (2023-2025 World Championship) at ang kaniyang kauna-unahang KeSPA Cup Championship noong December 14, 2025.