Mga kabombo! Nakagawian na ng mga “broken hearted” partikular na sa kababaihan ang magpagupit ng short hair.

Ika nga nila, kapag broken ang isang tao gagawa ito ng paraan para mas maging better.

Gaya na amang ng itinampok sa Dubai na si Princess Mahra, kung saan, dahil sa pagka-broken matapos ang kaniyang sariling diborsyo, naglunsad umano ito ng kontroversyal na Perfume Line na “Divorce”!

--Ads--

Ani Mara, ginamit niyang inspirasyon ang karanasan upang maging matagumpay na maglunsad ng nasabing brand.

Nag-launch umano ito ng sarili niyang perfume at personal care line na tinawag na “Divorce,” na naglalaman ng pabango, hair spray, body spray, at powder.

Ang presyo ng pabango ay 1,000 Emirati Dirhams o katumbas ng P15,300, habang ang hair at body spray ay nagkakahalaga ng 604 Emirati Dirhams o katumbas ng P9,200, at ang powder ay 716 Emirati Dirhams o P11,000.

Agad naman itong umani ng samno’t saringh reaksyon sa netizens.

Maraming pumuna sa pangalan ng produkto, na sinasabing masyadong bitter at mapaghiganti.

Sa kabila naman ng mga batikos, maraming netizen ang sumusuporta kay Mahra. Ayon sa kanila, ang kanyang hakbang ay isang patunay ng kanyang pagiging independent at strong woman.