BOMBO DAGUPAN – Nakatakdang ilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price guide ng Noche Buena products para sa taong ito.
Ayon kay Atty. Cherryl Carbonell, officer-in-charge ng DTI Consumer Protection and Advocacy Bureau, ito ay para matulungan ang publiko na makapag-budget at makatingin ng mga puwedeng pagpilian para sa ihahanda nila sa Noche Buena.
Ang price adjustments ay inaasahan na ilalabas habang papalapit ang Pasko at hinihintay na lamang nila ang price guide para sa Noche Buena items na ipalalabas ng DTI .
Sa kasalukuyang datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang presyo ng Noche Buena ingredients tulad ng sweet ham, fruit cocktail, processed cheese, mayonnaise, at spaghetti ay bahagyang nang tumaas mula Setyembre hanggang Oktubre.
Pinayuhan ng grupo ang publiko na upang makatipid ay maagang bumili at samantalahin ang pagkakataon na makabili ng mga produktong ito sa mas mababang halaga.