Posibleng tumaas pa ang presyo ng itlog sa mga susunod na buwan dahil sa mga nagsarang farms at pagtaas ng toxin level sa mga patuka sa mga manok.

Ayon kay Francis Uyehara, pangulo ng Egg Board Associations, kulang pa rin ang suplay ng itlog dahil maraming egg producers ang huminto at egg farms ang nagsara dulot ng epekto ng tag-init na pinalala ng El Niño sa unang anim na buwan ng taon.

Isa rin sa naging problema ang tinatawag na third quarter syndrome sa mga paitloging manok bukod sa mataas na toxin level sa ilang sangkap sa patuka.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay nasa P7.50 ang farm gate price ng kada piraso ng itlog. Ngunit umaabot ang presyo nito sa P9 kada piraso pagdating sa pamilihan.

Noong buwan ng Enero ay bumagsak ang presyo ng itlog sa mga pamilihan sa Metro Manila dahil sa mababang demand.

Dati ay makakabili ka sa halagang P4 hanggang P7 kada piraso.