BOMBO DAGUPAN – Maaaring bumaba ang presyo ng bigas kapag inamyendahan ang Rice Tariffication Law (RTL), ayon sa Department of Agriculture.

Ayon kay Agriculture Assistant Sec. Arnel De Mesa na inaasahan nila ang pagbaba ng presyo ng bigas sa sandaling maamyendahan ang RTL dahil mababawi ng National Food Authority (NFA) ang price stabilization function nito.

Ang pag-amyenda sa Rice Tarrification Law ay inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara.

--Ads--

Sa ilalim ng panukala, ibabalik sa ahensya ang mandato nito sa price stabilization at supply regulation ng bigas.

Mababawi rin ng kagawaran ang regulatory functions nito tulad ng pagbisita sa mga bodega.

Umaasa ang ahensya na ipapasa na rin ng Senado ang bersiyon nito ng bill.