Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na inako ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan ang lahat ng pananagutan kaugnay sa kontrobersiya ng flood control projects.
Ipinaliwanag naman ng Pangulo kung bakit niya pinili si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon bilang kapalit ni Bonoan.
Ayon sa Pangulo qualified si Dizon sa pwesto dahil may alam naman ito.
Naayos na rin ni Dizon ang DOTr kaya maari nangyari niya itong iwanan.
Umaasa ang Pangulo na maayos ni Dizon ang DPWH.
Matatandaan na itinalaga sa posisyon si Dizon matapos na magbitiw sa katungkulan si ex-DPWH Sec. Manuel Bonoan.
Ang panibagong pagtatalaga na ito ay nagalalayon na mas pokusan at bigyang aksyon ang mga isyu na pumapalibot ngayon sa kagawaran hinggil sa maanomalyang flood-control projects kung saan inatasan si Dizon na tiyakin na ang pondo ay ginagamit sa mga pagpapatayo ng mga imprastraktura na siyang mapapakinabangan ng publiko.
Ang pagbabagong ito ay nganap sa gitna pa rin ng imbestigasyon sa mga maanomalyang mga flood-control projects sa iba’t ibanag bahagi ng bansa at naging epektibo na ngayong araw, Setyembre 1, 2025.