Nanumpa na kahapon si former general Prabowo Subianto bilang bagong presidente ng Indonesia.

Opisyal nang uupo bilang ika-8 pangulo ng Indonesia si Prabowo at papalit kay Joko Widodo.

Bagaman naharap sa ilang alegasyong pang aabuso sa mga karapatan bilang military commander, nagawang maipanalo ni Prabowo ang halalan noong nakaraang pebrero.

--Ads--

Hindi bababa sa 100,000 kapulisan at militar ang idineploy sa Jakarta upang matiyak ang kaligtasan sa kaniyang inagurasyon.

Kabilang naman sa kaniyang ipinangako ay ang paglaban niya sa kurapsyon na umiiral sa kanilang gobyerno.