Dagupan City – Umaasa si Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst na may karanasan sa sektor ng edukasyon ang ipapalit kay Vice President and former Department of Education Secretary Sara Duterte.

Aniya, huwag sanang pairilain ang political accomodation upang mas mapalago pa ang sektor ng edukasyon sa bansa.

Binigyang diin ni Yusingco na dapat nagmumula sa academe ang susunod na DepEd Secretary at kung maaari sana ay nagsilbi na rin itong public school teacher para malaman ang araw-araw na hirap ng mga ordinaryong guro sa bansa.

--Ads--

Samantala, kinakailangan din aniyang bantayan ang kung ano ang hakbang na gagawin ng bise, dahil ang nagiging tingin ng iba ay awtomatikong siya na ang magiging elader ng opposition.

Ngunit paglilinaw ni Yusingco, hangga’t walang lumalabas sa bibig at binitawan si Duterte ay walang magiging basehan ang kuro-kurong ito.