Dagupan City – Nanawagan ang Political Analyst na tumalima at makinig sa binitawang salita ni Pangulog Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa Singapore na hindi nito boss ang anumang bansa.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, maganda ang naging pahayag ng pangulo sa kaniyang pagbisita sa ibang bansa, dahil nilinaw nito na ang kaniyang pagsisilbihan ay ang Pilipinas lamang.

Bagama’t nahahati naman aniya ang usapin sa West Philippine Sea at sa Russia, binigyang diin nito na nawa’y malinaw pa rin ang motibo at layunin ng Department of National Defense at Philippine National Police na walang dapat na panigang bansa kundi pawang ang pagtataguyod na protektahan ang soberanya ng Pilipinas.

Isa naman sa nakikitang pakay ng Ukraine sa bansa hinggil umano sa pagdalo ng Pangulo sa peace summit sa Switzerland na inorganisa ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy sa darating na hunyo 15 hanggang 16 (2024) ay ang pagkuha ng suporta mula sa Asia upang maibigay ang kapanatagan sa kaniyang nasasakupan.

--Ads--