Dagupan City – Inilarawan ng isang Plotical Analyst bilang “Sarswela” ang kaganapan sa senad kuagnay sa imbistigasyon ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, dapat ay hanay ng kapulisan, National Bureu of Investigation, Ombudsman, at law enforcement ang tumututok sa kaso ni Guo ngunit bakit tila ang senado ang bumibida.
Aniya, kahit anong gawin ng senado, gaya ng inisyatiba na ipa-DNA test si Guo ay hindi nila ito magagawa kung hindi pumayag ang kampo ng alkade dahil paglabag ito sa kaniyang constitutional rights.
Samantala, kaugnay naman sa isinampang kaso ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kasong graft sa Ombudsman hinggil sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa naturang bayan, dapat aniyang tutukan ito ng Ombudsman dahil unti-unti nang umaandar ang kaso at kung titignan ay malaking paglabag ito hindi lamang sa batas kundi pati na rin sa pagsamsam sa pera ng bayan.
Samantala, sa resolusyon ng Ombudsman, bukod kay Guo, pinatawan din ng 6 months preventive suspension si Edwin Ocampo, business permit and licensing officer at Adenn Sigua, municipal legal officer ng Bamban LGU.