DAGUPAN CITY —       Naiturn-over na sa Paniqui Police station, matapos kusang sumuko sa Rosales PNP, ang isang Police officer na bumaril at pumatay sa mag-inang sibilyan sa Purok 2, Barangay Cabayaoasan, Paniqui, Tarlac kahapon, December 20, 2020.

        Ito ang kinumpirma ni PMaj. Fernando Fernandez, OIC ng Rosales PNP,  sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan. Aniya, minabuti umano ng pulis na kinilalang si Police Senior Master Sergeant (PSMS) Jonel Nuezca na sumuko sa Rosales PS para sa kaniyang seguridad dahil narin sa banta ng  mga kamag-anak ang kaniyang mga napatay na sina Sonya Gregorio at Frank Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

        Ayon sa sumukong pulis, napuno umano ito dahil madalas na nanggugulo ang kaanak ng kaniyang asawa na kaniyang napatay. Inamin din ng suspek na nag-ugat sa away sa lupa hanggang sa napuno siya kaya nagawa nito ang krimen.       

--Ads--
Bahagai ng panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PMaj. Fernando Fernandez, OIC ng Rosales PNP

        Isinuko naman ni Nuezca maging ang PNP issued firearm na caliber 9mm na ginamit nito sa pamamaril.

        Napag-alaman ng Bombo Radyo Dagupan news team na ang naturang pulis ay tubong Urdaneta City na aktibong miyembro ng PNP na na-assign sa Paranaque Crime Laboratory na kasalukuyang naninirahan sa Tarlac.

        Hindi lamang murder case ang isasampa laban sa pulis kundi haharap din ito sa administrative case na posibleng ikasibak nito sa serbisyo. (With reports from Bombo Everly Rico)