BOMBO DAGUPAN – Nauwi sa lungkot ang masayang outing ng isang pamilya sa bayan ng Bolinao matapos nasawi dahil sa atake sa puso ng isang padre de pamilya.
Ayon kay PCAPT. Jayson Orilla, deputy chief of police ng Bolinao PNP, kinilala ang nasawi na si police capt.Elmer Castillo Santiago, 41 anyos, may asawa, nakatalaga sa station 14 sa Quezon City, residente ng 41 Bascom Brimen St., North Fairview, Quezon City at kasalukuyang sumasailalim sa cyber security schooling.
Ayon sa salaysay ng kanyang may bahay, noong Oct.5 ay nag check in sila sa isang report sa Patar, Bolinao para sa family outing.
Kinagabihan, ay may salo salo at kunting inuman na natapos bandang 12 hating gabi. Ngunit noong madaling araw ay nagising ang asawa wala ito sa kanyang tabi kaya hinanap niya ito at nakita niya ito sa comnfort room na walang lamay at nakahandusay.
Agad namang itinawag sa MDRMO Bolinao at agad na dinala sa pinakamalapit na ospital ngunit ideneklarang dead on arrival ng attending physician.