Kinumpirma ni Polish President Karol Narowcki, na nais ng Poland na palawakin ang ugnayan nito sa Pilipinas at itaas ito sa antas ng strategic partnership.

Sinabi ni Narwocki, mahalaga ang pagtutulungan ng Poland at Pilipinas sa pagpapanatili ng seguridad sa gitna ng mga banta sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sabi pa ng Polish leader ang mga problema sa seguridad sa isang rehiyon ay maaaring makaapekto sa ibang bahagi ng mundo.

--Ads--

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng seguridad sa karagatan, lalo na’t parehong may mahalagang karagatan na kailangang protektahan ang Poland at Pilipinas.

Ipinunto din ni Nawrocki na maaari ring magtulungan ang dalawang bansa sa pagtugon sa mga kalamidad, seguridad sa militar at pagpapaunlad ng kanilang mga industriya.

Nabanggit din niya ang mga tinatawag na hybrid attacks sa Baltic Sea at iba pang bahagi ng Europe, kabilang ang pagpapakalat ng maling impormasyon, panghihimasok at paninira.

Ayon kay Nawrocki, maaaring matuto ang Poland at Pilipinas mula sa karanasan ng isa’t isa upang mas mapalakas ang seguridad ng dalawang bansa.