Tuloy-tuloy at hindi na ibababa ang alert status ng PNP hanggang sa buwan ng Mayo para sa nalalapit na halalan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay P/Lieut. Col. Mary Crystal Peralta, tagapagsalita ng PNP Region1, sinabi nito na diretso at hindi na sila magbababa pa ng alert status hanggang sa mismong ekeksyon sa Mayo.

Nagsimula na rin aniya noong April 16 ang kanilang Oplan Summer Vacation 2019 at magpapatuloy ang paghahanda nila hanggang matapos ang bakasyon.

--Ads--

Iginiit naman ni Peralta na nakadepende sa bawat Regional Directors ng PNP stations kung itataas nila ang kanilang status sa full alert.