Dagupan City – Lumahok kamakailann ang mga third-level officers ng Police Regional Office 1 (PRO1) sa taunang Physical Fitness Test (PFT) na isinagawa sa Poro Point Baywalk and Events Center, Brgy. Poro, Lungsod ng San Fernando, La Union bilang bahagi ng adbokasiya ng Philippine National Police para sa pisikal na kalakasan at kabuuang kalusugan ng mga kawani.
Sumailalim muna ang mga kalahok sa mga paunang pagsusuri sa kalusugan tulad ng Body Mass Index (BMI) computation, pagsusukat ng blood pressure at heart rate, at huling medical evaluation mula sa Regional Dental and Medical Unit 1 upang matiyak na ligtas at handa silang lumahok sa mga aktibidad.
Kabilang sa mga lumahok si PCOL Arbel C. Mercullo, Officer-in-Charge ng Pangasinan Police Provincial Office, na nagpakita ng suporta at pagtutok sa kahalagahan ng pisikal na kahandaan at kalusugan.
Itinuturing ang PFT hindi lamang bilang sukatan ng kakayahang pisikal kundi bilang mahalagang indikasyon ng kalusugan ng bawat pulis.
Matatandaan na ipinatutupad ito alinsunod sa direktiba ni Chief PNP, PGEN Nicolas D. Torre III para sa isang mas malusog at mas mahusay na hanay ng kapulisan.