Mayroon ng person of interest ang kapulisan sa nangyaring pamamaril sa punong barangay ng Brgy Balococ Lingayen dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay police major Arturo Melchor, Public Information officer o PIO ng Pangasinan Police Provincial Office, sinisiyasat na ng mga imbestigador ang mga anggulo katulad ng umanoy posibleng may nakaalitan, pagkakaroon ng lumang alitan, pagkakasangkot nito sa ilang illegal activities at tinitignan din ng motibo sa pagpatay ang linya ng kaniyang trabaho o ang pulitika.
Matatandaan na ang biktimang si Frederick Abalos ay pauwi na sa kanilang bahay sakay ng tricycle nang pinagbabaril ng dalawang suspek na lulan ng motorsiklo sa bahagi ng brgy. Quibaol .
Naitakbo pa ang biktima ng kaniyang bayaw na si Eddie Bautista sa Lingayen District Hospital ngunit idineklara namang dead-on-arrival (DOA).
Base sa tala ng PPO, bagamat maraming insidente ng pamamaril na nangyari sa lalawigan mula buwan ng Enero hanggang sa Hulyo pero karamihan sa mga kasong ito ay naresolba na.




