May hawak ng person of interest ang kapulisan kaugnay sa sa pagkakatagpo sa wala ng buhay na katawan ng isang ina at dalawa nitong anak sa sarili nilang tahanan sa Barangay Kaypian, San Jose Del Monte Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Jaymee Casabuena Biding, 28 anyos at isang single parent habang ang kanyang mga anak ay edad apat at walong taong gulang.

Tumungo ang tatay ng biktima para sunduin sana ang kanyang anak at mga apo dahil paparating ang isa nilang kaanak mula sa Abu Dhabi.

--Ads--

Pero laking gulat na lamang niya nang matagpuang patay na ang mga ito.

Bukas umano ang isa sa mga drawer sa bahay.
Base sa imbestigasyon ng kapulisan posibleng ilang oras nang patay ang mga biktima dahil tuyo na ang mga dugo sa loob ng pinangyarihan ng krimen.