Dagupan City – Tila ba mistulang paborito na umani ni Carlos Yulo ang manaol ng gold medal sa larangan ng sports.

Ito’y matapos na magpakitang-gilas si Yulo sa kanyang dalawang pet events sa men’s gymnastics individual qualification sa 2024 Paris Olympics Gymnast sa Bercy Arena.

Kung saan ipinakita umano nito ang paboritong floor exercise, at nakapagtala ng 14.766 puntos, provisionary second spot sa naturang event.

--Ads--

Kaugnay nito ay pasok na rin ang atleta sa final round ng floor exercise at gymnastics vault, kung saan provisionary sixth spot ito sa vault event. Habang sa tatlong categorya naman na kinabibilangan ng Floor exercise na may (14.766), sa Vault (14.633) at sa
All-around (13.466).

Bagama’t nahirapan umano si Yulo sa pommel horse (13.066), rings (13.000), parallel bars (14.533), at horizontal bar (13.466) at hindi makakaabante sa final round sa apat na apparatus na ito.

Hindi naman alintana dahil muling ipinakita ng Filipino Gymnast ang kaniyang kagalingan dahil pasok na ang pambato ng bansa sa finals kung saan ay mayroon naman itong tiyansa na masungkit ang gintong medalya sa men’s artistic gymnastics sa 2024 Paris Olympics.