Dagupan City – Hinamon ang mga environmentalist at Philippine Coast Guard (PCG) ng mga tinaguriang governance watchdog na Pinoy Aksyon na tigilan ang sisihan at mag-focus na lamang sa recovery efforts hinggil sa nangyaring oil spill sa Bataan na umabot sa karatig bayan.

Ayon sa ulat, sinabi umano ni Pinoy Aksyon chairperson Bency Ellorin tanging ang Shogun Ships, ang may-ari ng MT Terranova, ang may sole accountability sa nangyaring aksidente.

Kung saan ay kinuwestiyon din ni Ellorin ang PCG sa pagpayag ng dalawang tanker na maglayag sa kabilang ng kasagsagan ng super typhoon Carina, at ang biglaang pagsasalita ng mga environment groups sa madaliang konklusyon na hindi naaayon sa batas at tunay na nangyari.

--Ads--

Binigyang diin naman nito na dapat patawan ng mas mabigat na parusa ang mga lalabag sa babala ng mga awtoridad ng bansa.

Dahil matatandaan na noong nakaraang linggo, dalawang fuel tanker ang lumubog sa Mariveles, Bataan, isang linggo bago sumadsad ang isang Ferry sa bayan ng Romblon.