Mga kabombo! Not once, but twice!

Sa pangalawang pagkakataon, muling nakatanggap ang card designer na si Rob Hallifax ng Guinness World Record, dahil sa pinakamalaking baraha na kanyang nagawa.

Ito’y matapos na makagawa ng King of Hearts na baraha na may sukat na 3 meters x 2.02 meters, mas malaki kaysa sa naunang rekord nito na nasa 2.87 metro noong 2020.

--Ads--

Ayon sa ulat, ito na ang pangalawang Guinness ni Rob matapos niyang makagawa naman ng pinakamaliit na mga baraha.

Ang disenyo ng baraha ay isang photo mosaic na binubuo ng 3,432 selfies ng mga sumuporta sa proyektong ito ni Rob.

Dagdag pa ang twist na kapag sa malayuan, mukha itong karaniwang King of Hearts, ngunit sa malapitan, makikita ang mga selfies at ng larawan ng kanyang alagang hayop.

Aniya, kinalangan nito ng espesyal na ultra-large format printer upang maimprenta ang baraha sa mataas na resolusyon. Ang laki at bigat nito ay naging hamon din sa transpor­tasyon at pag-display.

Sa kasalukuyan, naka-display ang baraha sa opisina ng Guinness World Records sa London, kasabay ng selebrasyon ng Guinness World Records Day 2024.