DAGUPAN CITY– Ibinahagi sa Bombo Radyo Dagupan ng Philippine Coastguard kung papaano nakaligtas ang 15 mangingisda na sakay ng tumaob na motorbanca na, F/B Aqua Princess, sa karagatang sakop ng Infanta Pangasinan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay French A. Alayon, PIO ng Coast Guatd District Northwestern Luzon sinabi nito na agad na binigyan ng pagkain at medikal na atensyon ng coastguard medical service ang mga mangingisda makaraang sila ay masagip ng mga tauhan ng M/V Kumano Maru ,isang Panamanian cargo vessel, may 75 nautical miles sa kanluran ng Agno, Pangasinan.
Nagtamo aniya ang mga ito ng bahagyang galos sa katawan dahil sa naenkuwentrong malalakas na alon.
Matatandaan na pumalaot ang F/B Aqua Princess sakay ang 15 katao kabilang ang kapitan na si Eddy AriƱo noong Oktubre 2 sa di inaasahang pangyayari ay hinampas ng malakas na alon ang kanilang bangka na dahilan ng pagtaob nito.
Inatasan ng kapitan ang dalawa sa mga mangingisda na sina Pedro Manalo at Jerby Regala na sumakay sa kanilang service boat para humingi ng saklolo pero matapos ang tatlong araw ay saka pa lamang nakarating ang dalawa sa istasyon ng PCG sa Infanta nitong Oktubre 11.
Dagdag pa ni Alayon, bago sila nakauwi ay ipinasakamay muna sila sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office para sa kaokolang check up nang matiyak na maayos ang kanilang kalagayan.
Kinilala ang mga nakaligtas na mga mangingisda na sina Robert Palabrega, Eulito Zamante, na kapwa mula Masbate, Napoleon Jose, Roseno de Posada, Rowel Barnaquia, Ferdinand Salvador, Walberton Mendoza, Vincent Andrew Cortez, Richard Roxas, Frorinand Ibanez, Ernesto Rivero, Joseph Callarta, Larry Evangelista at Fernando Rodolfo.