Maaaring umanong humantong sa giyera ang mas tumitinding girian ng Pilipinas at China sa usapin ng West Philippine Sea kung saan hindi umano solusyon sa problema ng dalawang bansang kasangkot ayon sa Pamalakaya.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Fernando Hicap, Chairman ng Pamalakaya, mas lumalala ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at ng China sa West Philippine Sea.

Aniya, mula noong binuo ang task force, at pagpapatupad ng Maritime Zone at iba pang programang pandagat sa Pilipinas ay nagkaroon ng hindi kanais-nais na rekasiyon ang China kung saan lubos na naaapektuhan ang mga mangingisda sa Pilipinas.

--Ads--

Dadgag nito, hindi dapat ginagawa ng China ang pananakot at pang-aatake dahil hindi umano sa kanila ang nasabing bahagi ng katubigan.

Hindi rin tama ang ginagawang pangha-harass ng China sa mga barko ng Pilipinas, at maaaring maging sanhi ito ng lalo pang pagtindi ng tensiyon ng dalawang bansa.

Aniya, hangga’t maaari kung kaya ay maiwasan ang lalo pang girian dahil maaari itong humantong sa giyera, at hindi umano sulusyon ang giyera sa problemang ito.

Panawagan naman ng grupo sa gobyerno ng China na sana ay maging malaya ang pangingisda ng mga Pilipino at huwag pigilan sa kanilang karapatan.