Napapalibutan pa rin ng mga barko ng China ang paligid ng Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
Sa ginawang maritime domain awareness flight ng Philippine Coast Guard (PCG), namataan nila ang nasa 20 barko ng China malapit sa isla nitong Sabado, Feb. 21.
Kabilang sa mga umaaligid sa Pag-asa Island ang 17 Chinese maritime militia vessels, dalawang barko ng China Coast Guard, at isang PLA Navy ship.
--Ads--
Sumama naman sa aerial inspection sina Sen. Risa Hontiveros at PCG Spokesperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela.
Namataan din nila ang artificial island na itinayo ng China sa Mischief o Panganiban Reef na 130 nautical miles lamang mula sa Palawan.










