DAGUPAN CITY– Inamin ni Provincial Health officer Dr. Ana de Guzman na maliit na porsyento pa lang ang bilang ng mga nabakunahan dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay de Guzman, halos 17 percent pa o katumbas ng 370,000 ang nabakunahan pa lamang mula sa target nila na 1,975,000 na mabakunahan sa lalawigan.
Dagdag pa nito na sa buong bansa, inamin mismo ni pangulong Rodrigo Duterte na may kakulangan pa rin ng bakuna sa bansa pero tuloy tuloy naman ang pagdating ng mga bakuna sa bansa.
Samantala, nanawagan muli ito sa publiko na tangkilikin ang bakuna laban sa covid 19 para sa kanilang proteksyon.
Kung malayo aniya ang lugar ng vaccination center sa kanilang munisipyo puwede aniyang magpunta ang mga intresadong magpakuna sa Eastern Pangasinan Dstrict Hospital dahil nagbukas ito para magsilbi ring vaccination center.