DAGUPAN CITY —       Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang pangamba ng publiko hinggil sa posibleng pagtama ng tsunami kasunod ng pagyanig ng magnitude 5.6 earthquake sa isla ng Occidental Mindoro nitong madaling araw ng linggo, Oktubre 3.

        Ayon kay Phivolcs Director Dr. Renato Solidum Jr, bagamat posibleng makaramdam ng afteshocks kasunod ng lindol ay walang posibilidad ng pagtama ng tsunami lalo na at sa kalupaan at hindi din ganoon kalakas ang pagyanig upang makapagtrigger ng tsunami.

        Nabatid, na earthquake prone din na lugar ang Occidental Mindoro kung saan madalas ang pinagmumulan nito ay sa dagat.

--Ads--
Bahagi ng exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan kay Phivolcs Director Dr. Renato Solidum Jr,

        Sa kabila nito, hinikayat ni Dr. Solidum ang publiko na maging alerto at seryosohin ang mga isinasagawang earthquake drill.

        Sa Phivolcs bulletin na inilabas, tumama ang lindol bandang 5:59 a.m. kahapon kung saan ang epicenter ay nakita sa layong 10 kilometers northwest ng Sablayan, Occidental Mindoro.

        Naramdaman naman ang Intensity III sa San Jose, Occidental Mindoro; Intensity II sa Batangas City; at Intensity I sa Mulanay at Mauban sa Quezon province gayundin sa Tagaytay City sa Cavite.