BOMBO DAGUPAN– Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kanyang inutos kay incoming Education Secretary Sonny Angara na ituro sa mga kabataan ang Philippine History.
Ayon sa pangulo, importante aniyang ituro ito sa mga kabataan para maintindihan ng mga ito ang kanilang kultura at pinagmulan.
Mahalaga rin aniya na alam ng mga bata ang mga pinagdaan ng bansa at ng mga ninuno nito para maintindihan ang tunay na kahulugan ng pagiging isang Pilipino.
--Ads--
Saad nito na nakikita niya kasi ang libro ng kaniyang mga anak at napansin niyang kakaunti lamang ang nakasaad dito tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.
Inaasahan na ito ay maipapatupad ng kalihim ng Department of Education o DepEd.