Dagupan City – Inihayag ng Philippine Coconut Authority (PCA) na inaasahang mag-iinvest sila ng Coconut Plantation sa lalawigan ng Pangasinan.
Bahagi ito ng kanilang adhikain na palakasin ang industriya ng niyog sa bansa mula sa 15 % na domestic product ay target nila ngayong maging 35% habang 65% naman ang pang-import.
Ayon kay Dr. Dexter Buted ang CEO & Administrator ng PCA na kahit saan lugar sa Pangasinan ay maaring pagtamnan ng niyog basta mababa at may supply ng tubig gaya na lamang sa mga coastal areas o dalampasinan dahil bukod sa mas matamis ang lasa at madami ang bunga.
Malaki ang potensyal ng lalawigan upang mapadami ang tanim na niyog sa bansa dahil halos karamihan sa pokus ng lalawigan ay sa pangingisda habang mayroon ding pokus sa agrikultura gaya ng pagtatanim ng palay, sibuyas, gulay at iba ngunit hindi nabibigyan ng pansin ang pagtatanim ng niyog.
Dahil dito, may mga programa, aktibidad at caravan sila na maaring makahikayat din sa mga publiko, magsasaka at mga nasa MSME’s upang ipakilala ang mga iba’t ibang produkto ng niyog na makakatulong sa lalawigan.
Nais din nilang matulungan ang mga magsasaka upang mapakinabangan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo na maging tagapangalaga ng seedlings na maaring bilhin ng gobyerno para kanila ding itanim sa pamamagitan ng CocoLevi fund na may budget na 12.5 milyon kung saan 5 milyon dito ay para sa budget ng massive coconut planting.
Kaugnay nito, maari ding maging isang supplier ang Pangasinan sa produkto ng asin na kanilang ginagamit na fertilizer kung saan kung mabili ng PCA ang nasa 20 to 25 % ay malaking tulong na sa lalawigan upang makatulong sa mga proyektong magpapaangat sa lalawigan dahil nasa 1.9 bilyon piso ang budget para sa pagbili ng Salt na magagamit na Fertilizer
Bukod sa ekonomikong benepisyo, binigyang-diin ng PCA ang kahalagahan ng coconut plantations sa pangangalaga sa kalikasan.
Ang mga puno ng niyog ay makakatulong sa pagpigil sa soil erosion at pagbawas ng carbon footprint sa lalawigan.
Layunin ng proyektong ito na suportahan ang mga lokal na magsasaka, dagdagan ang produksyon ng niyog, at itaguyod ang sustainable agriculture sa rehiyon.