BOMBO DAGUPAN- Binigyang linaw ng Philippine Coast Guard na hindi nila isusuko ang kanilang presensya sa pinag-aagawang karagatan sa West Philippine Sea sa kabila ng pag-alis ng BRP Teresa Magbanua mula sa Escoda Shoal.

Ayon kay Commo. Jay Tarriella, tagapagsalita ng PCG kaugnay sa West Philippine Sea, malapit na umano matapos ng nasabing barko ang kanilan mission.

Aniya, oras na din ng BRP Teressa Magbanua upang bumalik sa porte ng Palawan upang tugunan ang pangangailan ng mga personnel nito at ayusin ang mga pinsalang natamo.

--Ads--

Gayunpaman, hindi umano ito nangangahulugang lilisanin na ng PCG ang kanilang poste sa Escoda Shoal.