DAGUPAN CITY- Sa gitna ng patuloy na paglobo ng kaso ng colorectal cancer sa Pilipinas, nangunguna ang Philippine Cancer Center sa laban upang mapababa ang bilang ng mga naaapektuhan ng sakit.
Sa pamamagitan ng mas pinahusay na mga hakbang at programang pangkalusugan, kanilang layunin: maagapan, magamot, at maibsan ang pasanin ng colorectal cancer sa mga Pilipino.
Ayon sa Philippine Cancer Center, isa sa kanilang pangunahing hakbang ay ang pagpapalawak ng access sa free and subsidized cancer screening programs.
--Ads--
Target nito ang mga Pilipinong nasa high-risk group, lalo na sa mga edad 50 pataas.