Hinikayat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Pangasinan, ang publiko na maging alerto.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Crystaline Lawang, ng Research and Planning Division ng PDRRMO Pangasinan, na bagamat walang inilabas na tsunami warning kasunod ng lindol ay asahan naman ang mga aftershocks.

Aniya bagamat walang naitalang pinsala ay naranasan naman ang maiksing power interruption dulot ng lindol base narin sa impormasyong ibinigay sa kanila ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

--Ads--

Nilinaw naman ni Lawang, na sa latest at final report ng PhiVolcs ay 6.1 magnitude na lindol ang naramdamang lindol na ang sentro ay naitala sa lalawigan ng Zambales habang ang Intensity 4 nito ay naranasan sa bayan ng Villasis at Intensity 2 sa lungsod ng Dagupan.

Samantala, tiniyak naman ni Lawang na may maigting silang koordinasyon sa mga concerned agencies at nagagamit din nila ang Rapid Earthquake Damage Assessment System (REDAS) Software na dinesenyo para ganitong uri ng mga insidente.

Payo pa ni Lawang, dapat maging alerto ang publiko at patuloy na subaybayan ang kanilang mga page sa social media para sa karagdagang impormasyon at kaalaman.